Lahat naman tayo ay kinakabahan o hindi mapakali kapag tayo ay ini-interview. Kahit ang mga may job experience at pinakamahusay na mga skilled workers ay kailangan maghanda para rito, dahil walang ikalawang pagkakataon upang makagawa ng magandang unang impression. Upang makakuha ng trabaho, kailangan mong ipakita at iparamdam sa interviewer na ikaw ay handa, interesado sa trabaho na inaaplayan at may tamang nalalaman sa trabaho na gusto mong makuha.
Ang pangunahing layunin ng interview ay upang mag-advertise ng iyong sarili. Alam ng mga interviewer kung paano kumuha ng impormasyon upang makilala ang kandidato na tumutugma sa kanilang kwalipikasyon. Sila ay may kakayahan na mag-evaluate kung paano mag-isip ang isang aplikante. Kaya, kailangan mong malaman ang pinakamahusay na paraan para sa isang matagumpay na job interview.
Narito ang 10 tips upang magtagumpay sa job interview
1. Mag-research tungkol sa kumpanya.
Isa sa pinakamahalagang bagay na dapat mong isaalang-alang kapag magaaplay sa trabaho ay ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kumpanya. Karamihan sa mga aplikante ay nagkakamali sa kanilang kaalaman tungkol sa kumpanya na nais nilang pasukan. Ang tagumpay sa job interview ay nagsisimula sa isang matibay na kaalaman tungkol sa partikular na kumpanya na iyong ina-apalyan.Gamitin ang iyong cellphone and gumamit ng mga search engine kagaya ng “Google” upang mag research tungkol sa kumpanya. Sa ganitong paraan, pinapakita mo na ikaw ay interesado sa kumpanya.
2. Magsuot ng maayos na damit
Magsuot ng pang-itaas na may kwelo at pantalon na maayos at walang mga butas. Kung ikaw ay may long sleeves and slacks mas nakakatulong ito sa iyo sa iyong first impression sa interviewer. Hindi kailangang magsuot ng maraming alahas. Ang importante ang iyong kasuotan ay malinis at nararapat para sa interview. Kung ikaw ay bumabyahe at maaaring madumihan o pawisan, magsuot muna ng t-shirt at magpalit na lamang bago ang interview.
3. Huwag na huwag kang malalate sa interview
Laging maglaan ng isa o hanggang dalawang oras na palugit sa pagbiyahe. Alam naman natin kung gaano ang trapik sa Pilipinas, lalo na sa Metro Manila. Ang pagiging maagap ay nagpapakita na ikaw ay may skill sa time management at nagbibigay ng magandang impresyon sa employer.
4. Dapat alam mo na.
Karaniwang mga tanong tulad ng “Bakit dapat ka naming kunin?”, “Ano ang maitutulong mo sa kumpanya?”, “ Ano ang maibabahagi mong kaalaman sa kumpanya?”, o “Ano ang iyong mga kakayahan at kahinaan?” Hindi mo kailangang i-memorize ang iyong mga sagot; dapat asahan mo na ito ay itatanong at dapat alam mo na ang mga kasagutan sa mga ito. Ang pangunahing layunin mo dito ay lumikha ng isang maikling sagot na magpapa-wow sa interviewer.
5. Maging magalang
Matutong bumati ng paggalang o magbigay ng ngiti sa lahat ng nakasalubong mo. Magalang na pagbati, pamamaalam at pagpapasalamat ay mga kaugaliang hindi dapat mawala.Sa pamamagitan ng pagngiti, ipinapakita mo na ikaw ay mabait at magiliw. Ang iyong magalang na pagbati at mga ngiti ay tumatak sa isip ng mga tao. Isapuso ang magandang kaugalian na ito at gawing trademark mo. Laging tatandaan na ang employer ay laging naghahanap ng mga empleyado na maganda ang ugali at magiliw sa lahat.
6. Maging kumpyansa ngunit huwag mayabang.
Walang masama sa pagiging kumpyansa lalo na’t kung ikaw ay may magandang job experience. Ngunit dapat balanse at hindi maging mayabang ang dating sa nag-ininterview. Mahalagang mapakita mo ang iyong kaalaman sa trabaho na pinapasukan ngunit lahat ng tao ay may kahinaan. Mas Maganda pa nga na alam mo ang iyong mga kahinaan at iparamdam mo sa iyong interviewer na alam mo ang mga ito at patuloy mong itong inaayos at pinaghuhusayan. Sa mga walang experience maging kumpyansa at ipakita na ikaw ay handang matuto at paghusayan ang magiging trabaho.
7. Matuto ng tamang komunikasyon
Mahalaga ang skill ng pakikipag komunikasyon. Ang pakikipag komunikasyon ay hindi lagi perfect. Minsan naswaswapawan natin ang nagsasalita o mali ang ating pagka intindi sa ating narinig. Mahalagang matuto kung paano magsalita ng nararapat at tama. Laging makinig sa nagsasalita at intindihin mabuti ang kanyang sinabi o katanungan. Hintaying matapos bago sumagot at huwag magmadali sumagot. Sumagot ng simple, tama at direkta. Huwag magsalita ng sobrang haba at dapat alam mo rin kung kailan titigil sa pagsasalita. Ang pakikinig ay bahagi ng komunikasyon at maraming hindi pinapalad na makapasok sa interview dahil mali ang kanilang pagkakaintindi sa mga katanungan. Ito rin ay isa sa mga skill na tinitignan ng mga nag iinterview. “Active listening” ang tawag dito. Mag-focus sa bawat tanong at iwasan tumingin sa ibang direksyon o gumawa ng kahit ano pa man na makakasira sa iyong focus sa mga katanungan.
8. Positive lang tayo mga idol
Iwasan ang mga negatibong salita laban sa mga nakaraang mga employers o katrabaho. Walang employer na gustong mag-hire ng isang tao na negatibo at mababa ang maturity level. Hindi naman maiiwasan na minsan hindi maganda ang pag-alis natin mula sa nakaraang kumpanya. Ngunit subukang ipaliwanag sa nag interview ng maayos ang sitwasyon.Ipakita na may natutunan ka sa nangyari at alam mo na kung paano maiiwasan na mangyari muli. Dito ipinapakita mo na marunong kang tumanggap ng pagkakamali, kahinaan at hindi naninisi ng ibang tao. Bagkus, ikaw ay matured at nais lamang mag-improve.
9. Magtanong ka
Mapapkita mo din na ikaw ay talagang interesado sa iyong inaaplayang trabaho at kumpanya kung ikaw ay magtatanong. Maaari mong itanong ang mga benepisyo, lokasyon, at actual na daily tasks ng posisyon na iyong ina applyan. Maari ka ring magtanong kung kelan mo malalaman ang resulta ng iyong interview at ano ang mga requirements kung sakaling ikaw ay matatanggap. Dito pinapakita mo na kaya mong mag plano and maging handa.
10.Bumalik sa tip No. 5
Maging Magalang…
Matuto ng iba’t-bang kaalaman upang makapasa sa iyong job interview. I-download mo na ang Blueshirt Mobile Application at kumunsulta sa aming mga Skilled Workers Ambassadors.