Maging first-time jobseeker ka man o, marahil, ay nagbabalik ka sa industriyang kinabibilangan makatapos ng ilang buwan o taong pagpapahinga, mayroong iilang dokumento na hihingin sa iyo ang kompanyang pag-aapplyan mo.
Ang paghingi ng kopya ng mga personal na dokumento ng aplikante ay karaniwang ginagawa ng Human Resource Department ng bawat kompanya upang masigurado ang mga sumusunod:
- Ikaw ay isang rehistradong mamamayan ng Republika ng Pilipinas;
- Mayroon kang sapat na previous work experience na siya namang magagamit mo sa pinapasukan mong posisyon sa kanilang kompanya; at
- Makatatanggap ka ng mga benepisyong nakasaad sa kanilang kontrata at sa saligang batas.
Ano-ano nga ba ang mga dokumentong kailangan mo?
Isinasagawa ng bawat kompanya ang mga layuning ito sa pamamaraan ng paghingi sa iyo ng kopya (o minsa’y orihinal na kopya) ng mga sumusunod na dokumento:
- PSA Birth Certificate
- NBI Clearance
- Social Security System (SSS) Number
- PhilHealth
- Pag-IBIG Number
- Tax Identification Number (TIN)
Maikling Paalala, Ka-Blueshirt!
Iilan lamang ang mga nabanggit na dokumento sa taas sa mga maaaring hingin sa iyo ng kompanyang pinapasukan mo. May mga pagkakataong may karagdagan pang hihingin sa iyo na dokumento na magsisilbing patunay sa mga nakalahad sa iyong resume o bio data.
Magkaroon man ng karagdagang requirements, mas mainam pa rin na ayusin at makuha mo nang maaga ang mga dokumentong nakalahad sa itaas para na rin maiwasan mo ang pagpapahaba sa proseso ng iyong pag-aapply.
Alamin kung ano pa ang mga dapat gawin bago mag-apply ng trabaho. I-download mo na ang Blueshirt Mobile App at magpatulong sa aming mga skilled workers ambassadors.
Tandaan: maigi na ang maagap!